FAQsam

Sino?

Ako po si Samjuan. Lumaki ako sa bukirin ng Nueva Ecija at nakapag-aral sa kagubatan ng Maynila. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa sa isa sa mga kinapipitagang pamantasan sa Pilipinas.

 

Naging librarian na’ko, tindero, guro, utusero, taga-hugas ng puwet, kargador, taga-linis ng banyo, tagapag-alaga ng bata, taga-linis ng kotse, taga-luto, taga-ligo, taga-sulat, taga-kanta, taga choreo, taga-ayos ng computer, taga-pagdeliver, taga-maneho, taga-bantay ng tindahan, at taga-sagot ng telepono.

 

Hindi ko kilala ang nanay ko. Bata pa lang ako nang pinili niyang makipagsapalaran sa Gitnang Silangan para kumita ng pera. Ang tatay ko naman may alzheimer na yata. Madalas niyang makalimutan ang pagkatao niya. Akala niya ka-ugali niya lahat ng taong nakakasalamuha niya. Pati nga apelyido niya nalimutan niya eh. Madalas sinasabi niyang dela Cruz daw ang apelyido namin, pero sabi naman ng mga kamag-anak ko, Juan daw. Basta, lumaki akong si samjuan. Sabi ng lolo ko dati, don’t just be anybody, or anyone, be someone. Mula noon, sabi ko sarili ko, i will be samjuan.

Ano?

Ito po ay blog ng aking mga pakikipagsapalaran bilang OFW (Overseas Filipino Worker). Ilalahad ko dito ang aking mga karanasan, mga kalokohan, mga kaisipan at mga aral na natutunan ko mula sa aking buhay dito sa kabilang ibayo ng mundo.

Saan?

Dito sa Amerika, kung saan madaming mutants, aliens, genetically modified organisms, sakuna, halimaw, demonyo, bomba, at kung ano-ano pa, ako dinala ng tadhana.

Dala ang isang bag at limang pares ng damit, nagbiyahe ako papuntang tate para kumita ng pera. Palipat lipat ako ng lugar sa higanteng bansang ito. Pero sinusumpa ko, pag yumaman ako, dadayuhin ko ang lahat ng mga lugar sa mundo kung saan may humihingang Pilipino.

Kailan?

Kapag may sapat na akong pera para makabili ng ticket pauwi, magkaroon ng sariling domain, makapagpatayo ng bahay, eskwelahan at art center sa pinas, uuwi na ako ng Pilipinas.

 

Bakit?

Gusto ko lang mag blog, bakit ba? Siyempre naiinggit ako samga kumikita sa pamamagitan ng blogs nila. Gusto ko din nun. Kaso di ako marunong. Ang gusto ko lang naman ay maka-abot sa milyon-milyong Pilipino, mapa-OFW man o hindi, sa buong mundo, at matuto at mamangha sa kani-kanilang mga kwento. Isa pa, sana may maawa sa’kin sa mundo ng pagba-blog at bigyan ako ng domain. Hahaha.

 

6 Tugon

  1. picture ba ni sam milby yung me philippine flag sa header mo? huwaw.

  2. si samjuan po

  3. ok ah! hindi ako nag nosebleed!

  4. Mabuti naman. Sobra na ang pagdanak ng dugo sa mundo. hehe

  5. lakay, ilokano ka ngarud a?

  6. ILokanong tunay po. Kaso di ako masyadong nag-iilokano. hehehe

Mag-iwan ng puna