yes!

Mukhang mas mapapadalas na ang pagpopost ko.

Yehey sa blogging app sa telepono! Yun nga lang sori kung may mga typo pa din. Kumusta naman kasi ang qwerty na keypad di talaga ako sanay. Haha.

Anyways, kumusta naman kayo mga kabayan? Namiss ko kayo at ang aking blog. Napakaraming nagaganap nitong mga nakaraang araw, linggo at buwan. Nakaka-overwhelm lang. Sa sobrsang pagkaoverwhelm ko eh natatameme ako at di nakakapagblog.

Ohwellpapel. May paraan naman. So hopefully makatulong tong bagong telepono.

Brb. Bababa na ako ng bus.

sunod po kayo

http://www.samjuan.com

http://www.samjuan.com

http://www.samjuan.com

http://www.samjuan.com

http://www.samjuan.com

http://www.samjuan.com

http://www.samjuan.com

Aabangan ko kayo.

Magkukwentuhan pa tayo.

Summer joke of the day

Hindi pa summer dito pero summer na din naman sa ibang parte ng mundo kaya pwede na ‘to.

Isa pa, nakikisabay na summer ang init ng panahon dito ngayon sa init sa Pinas.

kaya heto ang isang joke na natanggap ko sa text kanina lang:

Magpatuloy sa pagbasa

god-given

Gustuhin ko mang makatulog ng matino sa tren kanina, hindi ko magawa dahil sa nagsisisigaw na lalaki sa background. Para di ko siya marinig , nilakasan ko yung volume ng mp3 player ko. Pero wag ka, iba talaga yung kapangyarihan ni kuya, anlakas ng boses niya natatabunan yung tugtog sa tenga ko.

Nuung una parang mga walang kwentang sigaw lang yung naririnig ko. Ayoko naman siyang lingunin sa likod kasi baka batuhin ako o kaya ako naman ang pag-tripan niya. Kaya ang kunwari nakapikit na lang ako pero hindi naman talaga. Dahil may pagka-singkit ng onti ang aking mga mata, pwede akong mgapanggap na tulog kahit na hindi naman.

Nasulyapan ko yung mga parang naiiritang mga mukha ng mga babae sa tren. Narinig ko yung mga bulung-bulungan, mga pagkaasar, mga pandidiri, mga ganun. Magpatuloy sa pagbasa

di naman linggo-linggo

Nakabili ako ng madaming t-shirts kahapon. Masaya ako kasi nakuha ko sila sa murang-murang halaga. 4$-8$ lang ang isa. Mabuti na lang at may mga mqgagandang damit na nagkasya sa’kin mula sa kids section nung department store. Biruin mo, kung sa pang mga men’s ako bibili, eh nasa 15$ pataas ang presyo n mga damit. Super laki pa sa akin kasi naman higante mga tao dito. Magpatuloy sa pagbasa

Kung bakit ako madalas matulog sa tren

Bukod sa pagod sa trabaho at puyat sa nakaraang gabi, wala naman talagang matinong dahilan na makakapagpatulog sa’yo sa tren.

Kung hindi maririndi ang tenga mo sa ingay ng mga katabi mo, eh makukulitan naman ang ilong mo sa sari-saring amoy na malalanghap mo. May amoy ng pinaghalong sibuyas, sili, kilikili, damit na di naarawan, damit na natuyuan ng pawis, damit na basa ng pawis, damit na amoy bagong plantsa, damit na amoy tide, katawan na amoy nahihinog na bayabas, hininga ng may halitosis, mga pinagsalong hininga ng kasalukuyan at kahapong mga ulam, mga ulam sa bag, panis na ulam sa plastic, mga pagkaing sagana sa sibuyas, mga jebs na natuyo, lahat na! Magpatuloy sa pagbasa

Hindi cute ang mga bears dito

Kung sa PInas eh kyut na kyut na tayo sa mga tidibers, tulad nung mga giant ones na tinitinda sa blue magic na madalas ipangregalo sa may birhday o sa nililigawan, dito nalaman kong hindi pala sila kasing kyut gaya ng inaakala ko. Magpatuloy sa pagbasa