Katatapos lang magparty nung mga sirena (yung wang wang ng mga pulis)ng mga pulis. Masyado kasing mapagpanggap tong lugar na ito. Bibigyan ka ng impression na safe ka, pero hindi naman. Araw-araw may mababalitaan ka na lang sa tv na kinidnap na bata, ni-rape o kaya pinatay at sinaksak sa trunk ng sarili nilang kotse. Kung magaling anghuli ang mga pulis at iba pang alagad at institusyon ng batas dito, aba’y magagaling din di hamak ang mga kriminal.

 

Sa dinami-dami ng lahing nandito, hindi mo alam kung sino ang dayuhan o hindi. Ganito ata talaga sa California. Halo-halo. Kaya mas nakakatakot, mas delikado. Sa mga nababasa ko tungkol dito, minsan pa nga daw gago din yung mga pulis dito. Pag trip kang hulihin, huhulihin ka. Kumusta yun diba?

 

bokal

Nang kalbuhin ko yung ulo ko kahapon, nadiskubre kong lumaki na pala yung nunal ko sa ulo. Sa biglang tingin,aakalain mong may malaking pasas na tumubo sa ulo ko. Sunod na lumitaw pagkatapos ng pasas ay yung mga maliliit na pulang isla sa anit. Hindi ko alam na may mga nabubuo na palang pamayanan sa bumbunan ko. Buti na lang sinunod ko yung utak ko. Sabi niya, gusto daw niyang makahinga ng mas maluwag.

  Basahin ang iba pa »

fri

1:07 am, biyernes santo na sa amerika. Ilang minuto matapos kong manood ng my blueberry nights ni wong kar wai, eto ako, nag-iinternet,  sinusubukang labanan yung mga bagay na tumatakbo sa utak ko.

Walang masyadong online na mga kaibigan ko sa pilipinas. Wala sa internet yung mga taong gusto kong makausap. Malungkot pala ang mahal na araw dito. Dahil walang pasok sa Pinas, at wala sa opisina ang mga kaibigan kong madalas ay nagcha-chat sa opisina, hanggang pagba-blog na lang muna ako. Surf-surf ng onti sa internet, hanggang malimutan kunwari na nalulungkot na pala ako. Basahin ang iba pa »

pangako

Matagal din akong hindi nakasulat dito sa blog na ito dahil

 

Una, natakot ako.

Pangalawa, tinamad ako.

At pangatlo, andmi kong gustong sabihin pero hindi ko lama kung papaano magsisimula. Basahin ang iba pa »

enero beinte uno dito

unang araw ko sa pangalawang trabaho ko dito sa tate.

Basahin ang iba pa »

chopper

 

 

Nang mag freak out si Head Nurse X nang lamunin ng buo ng isang unknown African creature (di sigurado kung leon ba o tigre o hippo) ang kasamahan niyang piloto, walang agam-agam silang sinaklolohan ng chopper ng pinaka-malapit na US-Embassy at inilikas on the spot. Basahin ang iba pa »

nang dumalaw si ka-L

Wala akong pasok ngayon kaya nagpakabusog ako sa hamburger ng TGI Friday’s. Naglibot-libot sa jologs na mall sa tabi-tabi at pumila para kumuha ng ID. Pag-uwi ko, natulog akong parang baboy at pilit ninamnam ang mga piling sandali ng pahinga. Pero ginising ako ng malakas na katok ng isa sa mga pinaka iiwas-iwasan kong bisita dito sa tate. Basahin ang iba pa »

yayaman ka pa ba?

Minsan hindi ko maiwasang mainggit sa mga taong di na kinakailangang umalis ng bansa para kumita ng malaki-laking pera. Sila yung mag tipo ng tao na humihiga sa salapi, kundi man, sila yung mga taong hindi kinakailangang maghugas ng pwet ng mga dayuhan, mag-kuskos ng kubeta o kaya magtabas ng damo sa ibang bansa para kumita ng mas malaking pera para makaipon.

 

Kumusta naman kasi na yung mag pinanganak nang mayaman, mga may angkang mayaman, mga nakakapag-artista, mga nananalo sa contest/gameshows/raffle, mga drug lords, mga holdapers, mga pulitiko, at mga nakakahukay ng mag nakabaong kayamanan lang ang yumayaman at lalong yumayaman sa Pinas. Basahin ang iba pa »

english is power

Kagabi nagkausap kami ng kaibigan kong nagtatrabaho sa Singapore. Halos naka isang taon na siyang nagtatrabaho doon pero manghang-mangha pa din siya sa sarili niya dahil mas matino daw siyang magsalita ng ingles kesa sa boyfriend niyang Malaysian.

“Nakakaloko lang. Sa Pilipinas, kapag marunong kang mag-English magaling ka na at matalino, dito wala. Olats sila sa English.” Basahin ang iba pa »

na-coup po!

“Do you guys have laws in the Philippines?”

tanong sa akin ng amo ko habang nagkekwentuhan kami isang gabi.

Siyempre natangahan naman ako sa tanong niya. Hindi ba niya naisip na simula noong unang panahon, bumuo na ng batas ang mga tao para mabigyang ayus ang kanilang lipunan para mabigyang daan ang pagkakabuo ng kanilang sibilisasyon? Nagulat ako sa tanong niya, kaya agad akong napasagot ng “Yes, Of course!” Pinaliwanag ko sa kanya na sa katunayan, napakaraming mga magagandang batas ng Pilipinas, yun nga lang, hindi ko alam lahat ng dahilan kung bakit ito hindi mapatakbong maayos ng pamahalaan.

“…cause I’ve heard stories that people there do not follow laws and can easily bail their way out of the law’s punishments…”

Okey. May pinupunto naman pala siya. Ni hindi ko man lang agad napansin na may halong sarcasm yung tanong niya. Nanibago lang siguro ako. Iba pala kapag mga taga ibang bansa na ang pumupuna sa lupang kinalikihan mo, sa bayang kinagisnan, at sa bayang kumanlong sa’yo ng maraming taon. Mas malakas ang tama sa’yo. Yung tipong gusto mo ibangon yung dignidad ng lahi mo bilang pinoy pero sadyang madaming mga di magandang kapuna-punang mga bagay ang napapansin sa bansa mo. Mapapatigil ka na lang bigla at mapapaisip. Babalik pa kaya ako sa Pinas gayong halos karamihan ng mga Pinoy na nakakausap ko dito sa bansang ito ay nagsasabing ‘wag na’kong bumalik dun. Madami nang Pilipino ang nawalan ng tiwala sa gobyerno, pati sa kagandahan ng bansa natin.

“Putakte…wag ka na bumalik sa Pinas…tarantado gobyerno natin. Witness ako dun kay Trillanes. Napakalapit ko.”

Kamakailan lang ay natanggap ko ang mensaheng yan sa isa sa mga matalik kong kaibigan na nagtatrabaho sa Makati. Siya ang unang nagbalita sa’kin ng nangyari kamakailan lang kina Senator Trillanes.

“Nag walk-out sila Trillanes along with Brig. Gen. Lim and 30 soldoers sa hearing. Tapos nagpunta sila sa Manila Pen, eh di namn kudeta yun diba kasi dun lang sila dumiretso. Wala namang armas yung mga yun. Eh ang tarantadong gobyerno, ang daming pinadalang sundalo at tangke. Potangena, nagpaputok pa nung ayaw lumabas nila Trillanes. Tang ina. Ginawa ng gobyerno? yung mga media sa loob tineargas (inispray-an ng tear gas) at pinosasan. Tas ‘lamo? Ang potangena, sinira ng tangke yung pinto para makapasok. What a brute use of force! May curfew ngayon sa Pinas. 12-5. Sinong Paranoid ngaun?”

Matagal na namang paranoid ang gobyerno ng Pilipinas sa maraming mga bagay. Takot ang gobyerno sa pagpapalit ng pamamahal;a, takot ang gobyerno sa paglilipat ng kapangyarihan, takot ang gobyerno na mawalan ng kontrol sa mga nasasakupan nito. Yung paranoiang iyon ng pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa mga sakit nito kaya hindi ito makakilos ng akma para sa ikabubuti ng nakararaming mga Pilipino.

Ang madalas na headline pag nagtatanong ako tungkol sa Pilipinas ay,
“Naku, walang bago! magulo pa din dito!”

Kung ang batas ng isang bansa ang isa sa mga nagbibigay ayos sa lipunan nito, baka nga joke lang yung mga batas sa Pilipinas. Baka nga wala namn talagang batas gaya ng napapansin ng mga dayuhan. Kunge meron man, tinutulugan naman ng mga kinauukulan. Babalik pa ba ako ng Pinas? Oo naman.

Lingid sa kaalaman ng maraming dayuhan dito, kahit mistulang magulo ang Pilipinas, napakaraming mga simpleng dahilan na gugustuhin mong balik-balikan doon. Isa lamang yun sa mga tatalakayin ko sa mga susunod na entries ng blog na ito.
Sa blog na ito ibabahagi ko sa inyo ang aking mga karanasan dito sa Amerika bilang isang OFW na nakikipagsapalaran sa uri ng buhay dito.