Kung sa PInas eh kyut na kyut na tayo sa mga tidibers, tulad nung mga giant ones na tinitinda sa blue magic na madalas ipangregalo sa may birhday o sa nililigawan, dito nalaman kong hindi pala sila kasing kyut gaya ng inaakala ko.
Well, depende pa din naman yan sa pagtingin mo sa konsepto ng kyut. Kung kyut sa iyo ang higanteng bear na biglang lilitaw sa kalagitnaan ng picnic niyo sa park, bear na pagala-gala sa bakuran, at bear na nangangain ng tao, eh di fine, kyut na siya! Ampf.
Kanina kasi, habang nakasakay ako sa bus papuntang opisina, napanood ko doon sa lcd tv ng bus yung balitang pag-atake ng grizzly bear sa mga tao sa labas ng supermarket. Tapos may balita pa nang pagpatay nung isang trained na higanteng bear sa trainor niya sa di pa alam na dahilan. Baka gutom siya. Siguro di pinapakain.
Yung bear pala na yun ay yung bear sa pelikulang Semi-Pro ni Will Ferrel. Grabe lang dito sa America. Haha. Ang mga bears basta basta na lang umaatake. Basta, hindi sila kyut!
Inihanay sa: Uncategorized
Siguro kung maliit sila, cute sila.
ay sus, kung totoong talagan bear hindi cute promise, maraming salamat sa pagbisita sa blog ko, add kita sa blogroll ha, add mo rin ako
Hindi naman ako naku-cute-tan sa bear kahit dito sa Pinas. Hindi sila cute at all.
hehe.. yung pinsan ko adik sa pooh bear.. waaa~ ewan ko kung pano naging cute yan..peace out!